Market guard, pinagbabaril-patay sa Balatan,  Camarines sur

CAMARINES SUR- Hindi na nakauwi pa ng buhay sa kanilang tahanan ang 56-anyos na market guard matapos na pagbabarilin sa Balatan, Camarines Sur.

Sa ulat ng PNP nangyari ito sa  Brgy. Luluasan, kung saan papauwi na ang biktimang si Ronaldo Castro y Vasquez, kasama ang kaniyang asawa at apo nang biglang harangin ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki;  pinagbabaril si Castro.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Nadala sa ospital ang nasabing market guard pero idineklarang dead on arrival ang sumuring doktor.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Nakuha sa pinangyarihan ang dalawang basyo ng bala para sa kalibre 45ng baril.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng PNP upang matukoy ang responsible sa krimen at posibleng pagkakahuli ng mga ito, inaalam din ang motibo sa pamamaslang.