Tricycle driver na sinampahan ng kaso ng live-in partner, piniling magpatiwakal kaysa sa maaresto

Natagpuang nakabitin sa beranda at wala ng buhay ang 38-anyos na tricycle driver sa Brgy San Francisco, Bulan, Sorsogon.

Sa ulat na nakalap ng Brigada News mula sa Bulan MPS, natagpuan ang mga labi ni Ariel Caparino Angustia, residente ng Brgy Fabrica ng nasabing bayan, sa bahay ng kanyang kaibigan kung saan nanuluyan muna ito para magtago.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Sa salaysay ng kaibigan  na si Robin Gojar, dumating umano ang biktima sa kanyang bahay, umaga noong Hulyo 22 at nagpaalam sa kanya na mananatili at magtatago muna ito sa kanyang lugar dahil sinampahan siya ng asunto ng kanyang kinakasama.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Pinatuloy niya umano ito subalit pagbalik niya kinabukasan ng tanghali, mula sa kanyang sakahan ay nakita niyang wala na itong buhay sa kanyang beranda.

Ayon sa Bulan MPS, ang biktima ay sinamphan ng kaso sa WCPD ng kanyang kalive-in partner ng pananakit o physical injuries.