Planong pagpapaganda ng unang bantayog ni Rizal sa bayan ng Daet, Camarines Norte, aprubado na ng pamahalaang panlalawigan

CAMARINES NORTE – Aprubado na ng pamahalaang panlalawigan ang planong pagpapaganda at pagpapabuti ng Unang Bantayog ni Rizal sa bayan ng Daet, Camarines Norte.

Naaprubahan ang planong yan noong ika-21 ng hulyo 2023 kung saan lalaanan ng pondo ng kasalukuyang administrasyon upang lalo pa umanong bigyang-halaga ang pagkakatatag ng pinakaunang monumento ni Gat. Jose Rizal sa buong Pilipinas na naitayo sa Lalawigan ng Camarines Norte dalawang taon matapos siyang barilin sa Luneta.

Ginawa ang naturang disenyo ni Architect Ma. Angelica R. Rodrigueza upang lalo pang buhayin ang alaala ng ating Pambansang Bayani at lalo pang paigtingin ang kabayanihan ng mga Bicolano.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Tinunghayan ang nasabing presentasyon nina Gov. Dong Padilla, Dr. Sarah Marie Pante – Aviado, Provincial Information Officer; Mr. Abel C. Icatlo, Head ng Museum, Archives and Shrine Curation Division at kanyang mga staff.

Samantala, matatandaang hunyo taong 2020 ng bigyang linaw naman ng isang local historian sa lalawigan ng Camarines Norte ang nakagawiang maling tawag sa pinaka-unang monumento ni Dr. Jose Rizal.

Sa pagdaan kasi ng maraming taon ay Morga ang itinawag dito ng mga pangkaraniwang mamayan.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Lingid sa kaalaman ng marami na ang Morga, na ang tinutukoy ay si Antonio de Morga, isang pantas na may Doctor of Laws na siyang sumulat ng Sucesos de las Islas Filipinas noong 1609 o sa ingles ay events of the Philippine Islands. Ayon kay Icatlo, dahil daw marahil sa haba ng librong isinulat ni de Morga ay nahirapan ang mga sinaunang taga-Daet na ito ay isulat o bigkasin kaya’t inilagay na lang ang Morga na sa paglipas ng panahon ay siyang naging tawag sa bantayog.