Kauna-unahang psychological first-aid training, isinagawa ng Camalig MDRRMO para sa mga tauhan ng isang paaralan

LEGAPZI CITY – Isinagawa ng Camalig Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang kauna-unahang psychological first-aid training sa mga tauhan ng Camalig National High School.

Layunin umano nitong mabigyan ang mga kalahok ng mahahalagang kaalaman at kasanayan sa pagbibigay ng agarang tugon sa mga tauhan ng paaralan at mga mag-aaral na maaapektuhan ng iba’t ibang traumatic incidents.

Read More:  Grade 9 student stabbed in youth riot outside Davao City school

Ilan sa mga dumalo ay ang Child Development Workers (CDWs), School Disaster Risk Reduction (DRR) at designated Guidance Coordinators ng naturang paaralan.

Read More:  ₱5.97-M ecstasy seized from Nigerian national in Pampanga drug bust

Nararapat lamang umano na mas palakasin ang mekanismo ng pagharap ng paaralan sa panahon ng mga sakuna at iba pang mga sitwasyon na maaaring makaapekto sa pamumuhay ng mga bahagi ng paaralan.