PNP, 100% nang handa para sa SONA

Inihayag ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. na 100 percent ready na ang Philippine National Police para sa ikalawang State of the Nation Address ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Pinangunanahn ni Acorda ang send-off ngayong umaga sa mga troops na dineploy para sa seguridad ng nasabing aktibidad.

Read More:  OSG seeks clarification on Supreme Court budget ruling

Aatasan ng PNP Chief ang 22,000 pulis kasama ang Civil Disturbance Management (CDM) kung sakaling magiging marahas ang kilos ng mga magpoprotesta.

Patuloy ang paghahanda ng PNP para sa mga maaaring maganap sa araw SONA, ito’y base umano sa kanilang karanasan sa mga nagdaang taon.

Read More:  China warns of more entry bans over Jing Quan dispute

Nag-paabot ng panawagan si Gen. Acorda sa mga dadalo sa pagtitipon na respetuhin umano ang mga kapulisan upang respetuhin rin sila ng mga ito ng naaayon sa batas at maximum tolerance.