DFA, padadaliin ang proseso ng mga passports

Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na padadaliin ng ahensya ang proseso ng mga passports sa bansa.

Sa halip na 10-12 working days ang regular application, magiging 5-7 na araw nalang ito.

Read More:  Defense may call Zuleika Lopez as witness in VP Sara trial

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, bahagi ito ng pagsisikap ng DFA para mapabilis ang serbisyo ng ahensya sa publiko.

Read More:  House Prosecutors hail subpoenas for VP Sara Duterte records

Mag-uumpisa na sa July 24 ang pagbabago sa proseso ng naturang pasaporte sa National Capital Region (NCR).