Bilang ng muling nag-alaga ng baboy sa Koronadal, tumaas ayon sa City Vet

KORONADAL CITY- TUMAAS na umano ang bilang ng mga muling nag-alaga ng baboy, ngunit dumami rin ang natakot ng bumalik sa negosyong ito sa lungsod Koronadal.

Ito ang inihayag ni Dr. Charlemagne Calo, city veterinarian ng Koronadal kung saan yaong muling nag-alaga ay isinailalim sa masusing orientation kaugnay sa mahigpit na biosecurity.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Layunin umano ng hakbang na ito ay upang mabigyan sila ng karampatang kaalaman at mga pamamaraan sa kung paano mag-alaga ng baboy kahit na may banta pa ng ASF.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Ayon kay Calo, na hindi maitatanggi na malaki ang peligro kung muling magnenegosyo ng baboy, ngunit wala umanong imposible na ang mga baboy ay maka-iiwas sa sakit na ito kung susundin lamang ng mahigpit na biosecurity at polisiyang ipinapatupad ng DA, PCIC, veterinary offices at mga LGUs.