KORONADAL CITY- ANIM na mga Super Health Centers ang itatayo sa lalawigan ng South Cotabato ngayong taon.
Ang mga ito ay itatayo sa Tampakan, Banga, TBoli, Surallah at dalawa sa Lake Sebu.
Ayon kay Senator Christopher Lawrence “Bong” Go, chairman ng Senate Committee on Health na ito ay kabilang sa 322 na mga Super Health Centers na target sa buong bansa ngayong ngayong 2023.
Inihayag ni Senator Go na ang Super Health Center ay isang medium type polyclinic o improved version ng Rural Health Unit.
Ito ay mag-aalok ng mga serbisyong pangkalusugan katulad ng database management, out-patient, birthing, isolation, dental services, diagnostic (laboratory: X-Ray at ultrasound), pharmacy at ambulatory surgical unit.
Maaari din umanong palawakin ng LGU ang serbisyo nito katulad ng paglalagay ng dialysis machine.
Dagdag pa ng senador na sa pamamagitan nito, mas mapapalapit sa mga mamamayan ang mga heath services ng gobyerno at made-decongest ang mga government hospitals.
