Hindi uunlad ang mga Pilipino sa Bagong Pilipinas rebranding – Rep. Manuel

Nanindigan si Kabataan Partylist Representative Raoul Manuel na walang magagawa ang Bagong Pilipinas rebranding para mapaunlad ang buhay ng Pilipino kasunod ng inilabas na logo ng administrasyon ni Marcos.

Ayon kay Manuel, dapat unahin muna nito ang pagkakaroon ng makabuluhang reporma katulad ng agraryo, at industriyalisasyon para sa pagkain at trabaho ng bawat pamilyang Pilipino.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Kaugnay rito, kailangan din munang unahing pondohan at paunlarin ng gobyerno ang sapat na edukasyon, kalusugan, transportasyon, at iba pang mga serbisyo sa Pilipinas.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Para sa Kabataan partylist, tila puro “self-promotion” ang ginawa ng administrasyon sa halip na magsagawa ng totoong serbisyo sa publiko.