Pagpapalakas ng ugnayan ng PH at US military, aprub sa mga Pilipino

Ibinunyag ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang resulta ng Pulse Asia survey na nagsasabing ang karamihan sa mga Pilipino ay pumapabor sa pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan ng Pilipinas sa US sa gitna ng kaguluhan sa South China Sea.

Read More:  Court delays Sara Duterte’s grave threats arraignment again

Ayon kay Zubiri, lumalabas na 75% mula sa Pulse Asia Poll ang may kagustuhang palakasin ang koneksyon sa pagitan ng dalawang bansa sa gitna ng tensyon sa West Philippine Sea.

Samantala, 14% ang nagsasabing hindi sila sang-ayon sa naturang pakikipag-ugnayan; 2% ang nagsabing wala silang sapat na kaalaman para magbigay ng opinyon; habang 8% naman ang nagsabi ng hindi sila makapagbibigay ng pahayag hinggil sa usapin.

Read More:  PCG drives away Chinese vessel, 22 fishing boats near Kota Island

Ayon sa senador, pinatutunayan ng datos na karamihan sa mga Pilipino ay bukas at tinatanggap ang suporta mula sa militar ng Amerika.