Senador: kailangan ng LTO ng patch up plan sa pag-release ng plaka ng sasakyan

Hinimok ni Senadora Grace Poe ang Land Transportation Office (LTO) ukol sa mga hindi pa nailalabas at naipapamigay na 1.7 milyong lisensyadong plaka.

Ayon kay Poe, dapat maglagay ng catch-up plan ang ahensya para tugunan ang milyun-milyong backlogs para sa mga unreleased na plaka ng sasakayan.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Dagdag pa nito, hirap at abala na ang dinadanas ng mga motorista sa registration at renewal ng kanilang plaka, kaya’t hindi makatarungan na uuwi ang mga ito na walang dalang licensed plates.

Read More:  NMC: PH activities in Pag-asa and Lawak Islands are ‘legitimate exercises’

Sa huli, sinabi rin ng senadora na ang kawalan ng plaka sa mga sasakayan ay maaring magdala ng panganib sa mga motorsista.