8 guro na na-stranded sa lahar area sa Botolan nasagip ng rescue team

Matagumpay na nasagip ng rescue team ng Botolan, Zambales ang walong guro na na-stranded sa lahar area kahapon.

Ang mga guro ay mula sa Maguisguis Integrated School at Burgos Elementary School kung saan nakatalaga ang mga ito.

Read More:  Maguindanao del Norte barangay captain survives shooting attack

Ayon kay MDRRM Officer Andy Divino, dapat tuwing Byernes ay umuuwi ang mga ito sa kabayanan subalit dahil walang tigil ang pag-ulan hanggang kahapon ay naantala ang mga ito at ubos na rin ang kanilang budget.

Read More:  ₱2.2-M shabu seized; ex-police, seaman among 5 arrested in Iloilo

Kinuha ng rescue team ang mga guro sa isang tindahan sa lugar at ligtas na nakauwi sa kanilang mga tahanan kasama ang isang kalabaw.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: MDRRM Botolan