Walk-in registrants welcome sa Philsys registration – PSA Sorsogon

SORSOGON CITY – Binigyang-diin ni Philippine Statistics Authority (PSA)-Sorsogon Information Officer Ian Barbin na hindi naman nila tatanggihan ang mga walk-in o mga indibidwal na pupunta sa mga registration centers na hindi pa naman naka-eskedyul para sa Step 2 ng National ID System Registration.

Sa pahayag ng opisyal sinabi nito na hindi naman problema kung magbabakasakali ang mga ito kahit hindi pa sila ang prayoridad basta’t susunod lamang sa patakaran.

Read More:  At least 29 decomposing dogs and cats found in Bulacan vacant lot

Tulad aniya ng pagbibigay-daan pa rin sa mga nasa priority list na mauna sa pagpaparehistro at paghihintay ng pagkakataon kung kailan sila maaaring maakomoda ng hindi nakasasagabal sa mga naka-eskedyul.

Read More:  Once tagged among Negros’ poorest, Ilog bets on homegrown doctors, lawyers

Matatandaan na prayoridad sa roll out ng step 2 National ID System Registration ang mga residenteng na-register na noong nagsagawa ang PSA ng house to house noong buwan ng Enero o mga dumaan na sa Step 1 ng PhilSys registration.

PHOTO: Google