NBA star Lebron James, tumanggap ng record-breaking performance award

TUMANGGAP ng record-breaking performance award ang hari ng NBA na si Lebron James dahil sa pagiging leading scorer sa buong kasaysayan ng National Basketball Association.

Kinikilalang hari ng NBA si Lebron James dahil sa kanyang performance, nang makapasok ito sa liga na sa ngayon ay hawak ang pinaka maraming points sa buong NBA, na may total na 38,652 points.

Read More:  Ernie Gawilan bags Philippines’ first gold at 2026 Asian Para Games

Kasabay nito ang pag-announce ni Lebron na maglalaro syang muli sa susunod na taon, sa Los Angeles Lakers.

Matatandaang nabanggit na rin ng NBA star na pinag-iisipan na nya ang pagreretiro nito sa basketball, bago matapos ang nakaraang season.

Read More:  Young fencers to compete in Developmental Tournament in Mandaluyong on October 25

Aniya, tinatanong niya ang kanyang sarili kung kakayanin nya pa ang sumabak sa paglalaro ng basketball at kung mayroon pa siyang maibabahagi sa larangan ng nasabing sports. ###RIZADEL LOPEZ , INTERN