Pagsasailalim ng rapid antigen test sa mga pasyente at bantay na dadalhin sa CVMC, nagpapatuloy

Nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang istriktong screening o rapid antigen test sa mga pasyente maging sa mga bantay na dinadala sa Cagayan Valley Medical Center sa Tuguegarao City.

Ayon kay Dr. Glenn Mathew Baggao, ito ay upang matiyak na negatibo sa COVID-19 ang mga papasok na mga pasyente sa regular ward at ang mga dadalhin sa emergency room.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Aniya, ito rin ay para maiwasan ang hawaan ng COVID-19 mula sa mga pasyente at sa mga healthcare workers na tutugon sa kanila hindi katulad ng kanilang nauna nang naging karanasan noon.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Agad namang dadalhin aniya ang mga magpopositibo sa COVID-19 ward upang doon sila i-monitor ng mga health workers.

Kaugnay nito, ay malaking tulong aniya ang kanilang inilunsad na telemedicine kung saan hindi na kinakailangan pang magtungo ng mga pasyente sa naturang pagamutan para magpakonsutla kundi sa pamamagitan na lamang ng text o tawag.