DOJ, tukoy na kung sino ang nag-hire sa mga ‘sexy dancers’ sa kontrobersyal na NBI event

Tukoy na ng Department of Justice (DOJ) kung sino ang nasa likod ng kontrobersyal na ‘sexy dancing’ sa isang command conference ng National Bureau of Investigation (NBI).

Ayon kay Justice Sec. Boying Remulla – kilala na nila kung sino ang nag-hire sa mga entertainers na ito.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Napag-alaman ding hindi lang pala isa, kun’di tatlo pang mga dancers ang nagsasayaw nang sexy sa kontrobersyal na event.

Idiniin ng Kalihim na ‘nakahihiya’ ang naturang pangyayari.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Sa kabila niyan, tumanggi na muna si Remulla na pangalanan ang mga nag-hire sa entertainers habang gumugulong pa ang imbestigasyon.

Ang tiyak umano sa ngayon ay walang public funds na ginamit sa pagkuha ng mga dancers, at siguradong mananagot ang mga ito.