Pagsasabatas ng New Agrarian Emancipation Act – ‘long overdue na!’ – Casilao

Ikinatuwa ni former Anakpawis party-list rep. Ariel Casilao ang paglagda ni Pangulong Bongbong Marcos sa New Agrarian Emancipation Act o RA 1159.

Sa panayam ng Brigada NewsFM kay Casilao, sinabi niyang isa itong welcome development para na rin sa mga Pilipinong nais makawala sa mga pagkakautang sa lupa.

Read More:  Ridon calls for probe into pro-Duterte, pro-China personalities

Sa kabila niyan, sinabi niyang ‘long overdue’ na ito at masiyado nang matagal pinaghintay ang mga Agrarian Reform Beneficiaries o ARBs.

Maliban pa rito, sinabi rin ni Casilao na sobrang tagal na ring inaasahan ng mga ARBs ang bagong batas sa reporma sa lupa na tuluyan ng magbubura sa utang at multa ng mga benepisyaryo ng Comprehensive Agrarian Reform Act o CARP.

Read More:  DSWD Sec. Gatchalian denies wasted AICS funds despite COA findings

Sa ulat ng Department of Agrarian Reform, sakop ng condonation ang nasa P57.5 billion na unpaid amortization mula sa principal debt.

Kasabay naman ng paglagda ni PBBM sa RA 11593, nagkaroon din ng simultaneous distributions ng land titles sa mahigit 29 thousand na ARBs sa buong bansa.