Daraga MHO, pinaiigting ang mga interbensyon upang maiwasan ang pagkakaroon ng dengue sa evacuation centers

LEGAZPI CITY – Pinaiigting ng Daraga Municipal Health Office ang mga interbensyon nito upang maiwasan ang pagkakaroon ng dengue sa mga evacuation centers.

Ayon kay Municipal Health Officer Dra. Edna Freya Tan, iniiwasan nilang kumalat ang naturang sakit sa mga pasilidad lalo na ngayong nakakaranas ng mga pag-ulan at mayroong mga stagnant na tubig na maaaring pamugaran ng lamok.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Kaugnay nito, sila ay magsasagawa naman ng misting dalawang beses bawat linggo sa mga evacuation centers.

Aniya, kasabay nito, binabantayan nila ang iba pang mga sakit tulad ng ubo, sipon at sore eyes lalo na ang COVID-19.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Nagpapaalala naman ito sa mga inilikas na tulungan sila sa pag-iwas sa pagkakaroon ng kaso ng dengue sa pamamagitan ng pagpapanatiling malinis ang kanilang pansamantalang tinitirhan.