1 patay, 10-sugatan sa magnitude 6.4 na lindol sa Java, Indonesia

HINDI bababa sa sampung katao ang sugatan at isa ang patay matapos tumama ang 6.4 magnitude na lindol sa isla ng Java sa Indonesia nitong Biyernes ng gabi.

Ang pagyanig ay nagdulot ng bahagyang pinsala sa daan-daang bahay , mga pasilidad, mga ari-arian at paaralan sa rehiyon ng Yogyakarta at Central Java Province.

Read More:  US lawmakers condemn plan to livestream Nidal Hasan’s execution

Samantala, sinabi naman ng Geophysics Agency ng Indonesia na may 25 kilometro (15 milya) na lalim ang naganap na lindol, kung kaya’t nakaramdam din ng mahinang pagyanig ang ilang karatig lungsod ng isla.

Read More:  Container port congestion in Asia may drive freight rates higher through 2027

Dagdag pa ng ahensya, walang anumang babala ng tsunami sa lugar matapos ang pagyanig.### HARLIN LUMIBAO, Intern