EDC, namahagi ng FFPs sa Mayon evacuees ng Camalig, Albay

LEGAZPI CITY – Namahagi ang Energy Development Corporation (EDC) ng family foods packs (FFPs) sa Mayon evacuees sa bayan ng Camalig, Albay.

Nasa 1,000 mga FFPs na may lamang bigas, delata, kape, gatas, instant noodles, sabon ang ipinamahagi ng nasabing korporasyon.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Bukod dito, mayroon din itong ibinigay na 1,000 piraso ng 20-liter water containers at 660 packs ng diaper para sa mga sanggol at mga bata.

Read More:  ₱6 million marijuana plantation destroyed in Agusan del Sur

Ayon sa LGU Camalig, mahalaga ang pagtutulungan sa mga kinakaharap na problema.

Matatandaan, may nabuo nang ugnayan sa pagitan ng kanyang tanggapan at ng EDC matapos ang retrieval operation noon sa Cessna Plane Crash noong buwan ng Pebrero.