Konstruksyon ng p486m abusag bridge sa baggao cagayan, patapos na – dpwh region 2

Malapit nang matapos ng Department of Public Works and Highways Region 2 ang konstruksiyon ng Abusag Bridge sa Baggao, Cagayan.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, ito ay alinsunod sa layunin ng DPWH na gumawa na high impact infrastructure sa Region 2.

Ang nasabing tulay ay pinondohan ng 486 milyon pesos kung saan base sa pinakahuling report ay nasa 90% ang natapos.

Read More:  2 Chinese nationals arrested in ₱1.5-M Cebu copper ore seizure

Batay sa ibinahaging datos ni DPWH RD Loreta Malakuan, sinasaklaw ng Abusag Bridge ang 511.35 linear meter ng Pared river at mayroong lapad na carriageway na 7.32 na metro.

Kasama rin sa proyekto ang 686.456 meter road sa magkabilang linya ng tulay.

Ayon pa kay RD Malakuan, inaasahang matatapos ang naturang proyekto sa  buwan ng Setyembre ngayong taon.

Read More:  Man shot dead while riding motorcycle in Negros Occidental; Three suspects arrested

Mapapaikli sa 2 oras na biyahe ang lalakbayin sa pagitan ng Tuguegarao City at Baggao Cagayan sa oras na matapos na ang naturang tulay.

Mabebenepisyuhan nito ang nasa 15,000 na biyahero kada araw kung saan mas mapapabilis ang access ng publiko sa mga eskwelahan, hospital at trade establishment upang mapalakas ang socioeconomic development sa lokalidad.