Higit 1,000 tupad beneficiaries sa naguilian isabela, nakatanggap na ng cash assistance

Natanggap ng nasa 1,404 na benepisaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantage/Displaced Workers (TUPAD) sa Naguilian Isabela ang kanilang cash assistance mula sa DOLE sa pamamagitan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, kabilang din dito ang 350 na barangay tanod ang nakatanggap ng benepisyo mula sa DOLE at DSWD.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Maliban rito, nasa 920 na benepisaryo ng TUPAD mula Reina Mercedes ang nakatanggap din ng cash assistance sa ilalim ng nasabing programa.

Dinaluhan ang naturang aktibidad ni Isabela Gov. Rodito Albano III at iba pang opisyal ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela at lokal na pamahalaan.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Kasabay ng nasabing aktibidad ay hinikayat ng gobernador ang mga dumalo na magpabakuna kontra COVID-19  sa oras na dumating na ang mga bakuna upang masiguro ang proteksiyon at makamit ang target na 100% herd immunity sa lalawigan.