DOH, pinaalalahanan ang publiko sa laban sa leptospirosis

Nakapagatala ng mahigit 1500 na kaso ng letospirosis sa bansa simula noong buwan ng Enero.

Ayon sa Department of Health (DOH), tumaas ito ng 32 % kumapara sa naging record noong nakaraang taon kung saan nakapagtaala lamang ng 920 cases sa parehong panahon.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Nilinaw din ng DOH na ang sakit ay hindi lamang nakukuha sa bacteria sa ihi ng daga kundi maging sa ihi ng mga infected na hayop sa lupa at tubig.

Naipapasa rin ito sa papamagitan ng pagtalsik ng kontaminadong tubig o ihi sa iba’t – ibang parte ng katawan kagaya ng mata, ilong at bibig.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Inabisuhan na rin ang publiko na agarang mag pa konsulta sa doktor kung makakaramdam ng ilang mga sintomas nito kagaya ng lagnat, pamamantal, pamumula ng mata at paninilaw ng balat.//Mercell Velila