DA, nakikipag-ugnayan pa rin sa FDA para sa product registration ng bakuna kontra ASF

Naghihintay pa rin ang Department of Agriculture (DA) sa ire-irelease na Certificate of Product Registration (CPR) hinggil sa mga bakuna laban sa African swine fever mula sa Food and Drug Adrministration (FDA).

Ayon kay DA Asec. for Operations Arnel de Mesa, patuloy pa rin ang kanilang pakikipag-ugnayan sa FDA na maaprubahan ang bakuna na manggagaling pa sa Vietnam.

Read More:  Camp of former President Duterte continues preparations for ICC trial

Kung sakaling maaprubahan ang bakuna ay maglalaan ng 600,000 doses sa Pilipinas, magiging available sa 5-10 doses para sa maliliit na backyard farmers habang 50 doses naman sa commercial growers.

Tiniyak naman ng DA ang pamamahagi ng subsidiya sa mga small pig growers lalo nat papatak sa P600 ang presyo ng bawat dosage ng bakuna, ayon sa BAI.

Read More:  Lawyers of EJK Victims hope change in Duterte’s legal team will not delay ICC proceedings

Pahayag naman ni BAI Assistant Director Arlene Vytiaco, ang mga baboy na edad 6-10 weeks lamang ang kailangang bakunahan kontra sa naturang sakit. //JC Javier