Sagupaan sa pagitan ng Paramilitary Groups at Sudanese Army, halos 11-linggo nang nagpapatuloy

NAGPAPATULOY pa rin ang labanan sa pagitan ng Paramilitary Rapid Support Forces (RSF) at mga sundalo ng Sudan na sa ngayon ay umabot na ng halos 11 linggong sagupaan.

Ayon sa pahayag ng RSF, nakuha ng grupo ang buong kontrol sa kampo na tinaguriang pinamalaking police headquarters sa Southern Khartoum.

Read More:  Netherlands backs removal of ICC prosecutor Karim Khan

Kaugnay nito, isang video post ang kanilang inilabas, kung saan ipinapakita ang kuha ng mga sundalo ng RSF sa loob ng pasilidad habang ang ilan sa kanila ay nag-aalis ng mga kahon ng bala mula sa isang bodega.

Samantala, pahirapan din umano ang pag de-deklara ng ceasefire sa nasabing bansa dahil sa hindi pagsunod sa kasunduan ng magkabilang panig.

Read More:  Malacañang distances itself from US campaign against ICC

Sa ngayon, nakakaranas ng humanitarian crisis ang mga residente sa Sudan kung saan aabot na sa 2.5 milyong katao ang lumikas habang libo-libong kabahayaan ang nasira dahil sa patuloy na labanan. ###HARLIN LUMIBAO, Intern