Pagpapatayo ng Fish Landing Area sa Bulan tinututulan ng ilang mangingisda

Nagpahayag ng pagtutol ang ilang mangingisda ng Brgy. J. Gerona sa bayan ng Bulan, Sorsogon sa pagtatayo ng fish landing area sa kanilang barangay sa kabila ng pag- apruba ng Sanggunian Bayan sa mga amendments kabilang na dito ang Section 28, Artivle V ng Ordinance No. 006, Series of 2017 o ang Bulan Municipal Fisheries Code of 2017.

Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News, nag sumite ng petisyon ang aabot sa 180 mga mangingisda ng nasabing barangay na nagtututol sa pagpapatayo ng fish alanding area sa nasabing lugar.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Kabilang umano sa mga dahilan kung bakit tutol ang grupo ay masisira aniya ang mga paliguan o beaches sa barangay dahil sa posibleng ‘waste’ na maiiwan ng mga mag- iimpake ng isda, gayun din ang posibleng masangsang na amoy na maiiwan nito, at baka magkaroon lamang aniya ito ng masamang epekto sa fish sanctuary ng barangay.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Ayon naman kay Mayor Romeo Gordola, sisiguruhin nila na hindi mangyayari ang agam-agam ng ilang mangignisda dahil malayo naman sa dagat at fish sanctuary ang fish landing area at sila na mismo ang magpapasara ng lugar kung hindi nito mamamantina ang kalinisan sa kapaligiran.