O’Brien, umapela ng patas na pagtingin ng gobyerno sa petisyon ni Pokwang

Umapela ang Amerikanong aktor na si William Lee O’Brien ng patas na pagtingin ng gobyerno sa kanyang kaugnay ng petisyon na isinampa sa kanya ng dating karelasyon na si Marietta Subong o Pokwang na mapa alis ng bansa ang dayuhan.

Kinumpirma ni O’Brien na nagsumite siya kahapon ng counter affidavit laban sa hiling na mapa deport siya palabas ng Pilipinas.

Read More:  Klarisse de Guzman mourns the loss of her mother, Esnobie

Batid aniya niya na sikat sa buong bansa at maimpluwensiya si Pokwang kaya’t umaasa siyang magiging pantay ang pag trato sa issue ng BI at DOJ.

Kasabay nito, nanindigan naman ang kampo ni Pokwang na dapat agad mapa deport si O’Brien.

Read More:  6 Southeast Asian Countries withdraw from Miss Universe 2026

Sinabi ng kampo ni Pokwang, na gumagamit lamang ng tourist visa si O’Brian at walang special working permit.

Kamakailan, inamin ng komedyante na hindi nagbibigay ng anumang financial support si O’Brian sa kanilang anak at tinawag pa siyang “palamunin.”