Posibleng epekto ng El Niño tinututukan ng BFAR

Tinututukan din ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang posibleng epekto ng El Niño sa pangisdaan partikular ang produksyon nito.

Ayon kay Provincial Fishery Officer Rolando Tiam nakahanda namang umalalay ang BFAR sa mga may ari ng fish pond na maapektuhan ng El Niño pero hindi pa umano niya maidetalye sa ngayon ang tungkol dito.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Kaugnay nito ay pinayuhan ng opisyal ang mga may ari at operator ng fish pond na huwag na munang maglagay ng mga species na mahina sa init.

Sa ngayon ay wala pang report ang opisina hinggil sa epekto ng mainit na panahon sa pangisdaan.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

May paalala rin si Tiam sa mga seaweeds farmer upang hindi mapinsala ng init ang kanilang pananim.

Matatandaan na una nang sinabi ng Pagasa na maaaring tumagal ang El Niño hanggang sa unang bahagi ng 2024 at posibleng magsimula ito sa buwan ng Hulyo.