Canada, maglulunsad ng imbestigasyon sa Titan sub implosion

Inaasahang magiging masalimuot ang pagsisiyasat kaugnay ng pagsabog ng Titan submersible habang nasa isang expedition patungo sa Titanic wreckage.

Sa ulat ng Agence France-Presse, hindi pa rin malinaw kung sino ang responsable sa gagawing imbestigasyon kaugnay ng international disaster kung saan sangkot ang ilang bansa.

Read More:  Injuries from Magnitude 7 earthquake in Tibet, China rise to 65; Death toll remains at 16

Naka base sa Estados Unidos ang OceanGate Expedition’s na nagmamay-ari at nago-operate sa Titan samantalang sa Canada galing ang mothership nito.

Read More:  Croatia opens 785 job opportunities for Filipinos

Wala pang inilulunsad na formal inquiry kaugnay sa insidente sa gitna ng patuloy na pagsasaliksik ng maritime agency sa area kung saan nawasak ang submarine.

Matatandang hindi nakaligtas ang 5 sakay ng ng Titan dahil sa “catastrophic implosion.”//CA