Rank No. 9 MMWP sa bayan ng Sta. Elena, huli ng mga pulisya

CAMARINES NORTE- Naaresto ang isang lalaking may kinakaharap na kaso ng pinagsanib-pwersa ng mga tauhan ng pulisya dakong 9:20 ng umaga, June 17, 2021 sa Purok-11, Barangay Poblacion, Sta. Elena, Camarines Norte.

Ang akusado kinilalang si Roderick Combalicer Y Imperio, 44 anyos, isang tindero ng isda at residente ng Purok-3A, Barangay Basiad, Sta. Elena, Camarines Norte.

Read More:  Newborn baby found abandoned in Cebu without clothing

 Si Combalicer ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest sa paglabag sa RA 10591 (Covers RA 9516, RA 8294 and PD 1866) na may rekomendadong piyansa na umaabot sa dalawang daang libong piso (Php200,000.00).

Read More:  Coast Guard personnel killed, another wounded in Cotabato City shooting

Ang akusado ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng Sta. Elena MPS para sa kaukulang disposisyon.