Kaalaman ng mga magsasaka sa baboy ramo sa Presentacion , Camarines Sur , pinalalawak

NAGA CITY – Pinalalawak pa ang kaalaman ng mga magsasaka ukol sa Baboy ramo, bagamat walang naitatalang insidente o kaso hinggil sa pang-aataki nito sa Presentacion, Camarines Sur sa ngayon.

Kasama naman ng mga opisinang nangangalaga sa kapaligiran ang pulisya.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Sa panayam kay PSSg Jonathan Dorado, Chief Investigator ng MPS Presentacion, may mga area pa ng kabundukan o kabukiran sa bayan ang maituturing na virgin forest, kung saan nagiging tahanan din ng mga wild animals kasama na ang baboy ramo.

Lumalabas ang naturang mga hayop upang maghanap ng pagkain.  May matatalim na mga pangil , mabibilis pa kung tumakbo lalo na kapag gabi.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Ang PNP tuloy ang paalala sa mga magsasaka na huwag pupuntahan ang mga tirahan ng mababangis na hayop dahil nagagambala rin ang mga ito.