Titanic director Cameron -may nagbabala na sa OceanGate bago ang submersible tragedy

Nagsalita na ang direktor ng 1997 film Titanic na si James Cameron hinggil sa paglubog ng Titan submersible na ikinasawi ng lumang sakay nito.

Naibahagi ni Cameron sa isang panayam na tila’y naulit ang trahedya ng Titanic sa sinapit ng mga pasahero ng submersible.

Read More:  Ate Gay, holds ‘living funeral’ with family and friends

Aniya, kagaya ng nangyari sa paglubog ng Titanic kung saan ay una nang nagbabala ang captain nito sa posibleng pagtama sa isang iceberg – mayroon na ring babala noon ang mga deep-sea exploration community sa posibleng panganib ng submersible expedition.

Ayon kay Cameron, naniniwala syang ang dahilan ng pagpunta ng mga divers doon ay upang maramdaman at maalala ang kasaysayan nito.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Ang limang sakay ng submersible na binawian ng buhay ay sina British explorer Hamish Harding, French submarine expert na si Paul-Henri Nargeolet, Pakistani-British tycoon Shahzada Dawood at anak nitong si Suleman, at ang mismong CEO ng OceanGate Expeditions na si Stockton Rush.