Senador kay PBBM: Magdeklara ng state of natl emergency re: Paglala ng ASF

Naniniwala si Senador Francis Tolentino na dapat ay magdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng State of National Emergency.

Kasunod ito ng patuloy na pagdami ng mga natatamaan ng African Swine Fever o ASF na higit na nakaa-apekto sa suplay ng pork products sa bansa, pati na rin sa industriya ng pagbababoy.

Read More:  VP Sara Duterte prays for Philippine peace and father Rodrigo Duterte’s safe return

Inihain ni Tolentino ang Senate Resolution No. 565 kung saan ay idiniin niya ang kahalagahan ng emergency declaration.

Read More:  DFA warns of possible diplomatic actions amid Chinese Embassy’s remarks against Philippine officials

Sa ganitong paraan aniya ay magagamit na ang quick response fund (QRF) para matulungan ang mga apektadong local swine industry.

Sa latest na datos – apektado na ng ASF ang nasa 54 lalawigan sa buong bansa.