Jad Dera, NBI personnel – sumalang na sa inquest proceedings sa DOJ

Isinailalim na sa inquest proceedings sa Department of Justice ang high-profile inmate na si Jad Dera, at iba pang personnel ng National Bureau of Investigation (NBI).

Sila ang nahuli kamakalawa matapos ang ‘di umano’y pagpapalabas kay Dera mula sa detention.

Read More:  DFA warns of possible diplomatic actions amid Chinese Embassy’s remarks against Philippine officials

Bago ito, una nang sinibak ang hepe ng NBI Security Management dahil sa insidente.

Inaalam naman na ng DOJ ang posibilidad ng ugnayan ni Dera kay suspended Rep. Arnie Teves.

Read More:  OSG seeks clarification on Supreme Court budget ruling

Kung maaalala, sa hiwalay na panayam ay una nang pinabulaanan ni Atty. Ferdinand Topacio na mayroong kampihan, ‘o ‘di kaya’y koneksyon si Teves kay Dera.