Taxi driver na tumanggi sa pasahero sa Quezon City, binaril

Nabaril ang isang taxi driver matapos niyang tanggihang isakay ang isang pasahero nitong sa Quezon City

Ayon sa imbestigasyon, isang 64-anyos na suspek na pasahero ang pumara sa taxi at nagmamadaling ihatid papuntang Cubao.

Nang tumanggi na ang biktimang drayber – ‘di umano’y kinalampag ng suspek ang taxi dahilan para mapikon at bumaba ng sasakyan ang drayber.

Read More:  Maguindanao del Norte barangay captain survives shooting attack

Dito’y bumunot na ng baril ang suspek at pinaputukan ang drayber.

Depensa naman ng pasahero – ‘self-defense’ at warning shot lang ang kaniyang intensyon.

Read More:  Nearly entire church ceiling collapses in Maguindanao del Norte

Kaagad namang sumuko sa mga rumespondeng pulis ang suspek; habang ligtas at nagpapagaling naman ang drayber.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga pulis ang pasahero at mahaharap sa kasong frustrated homicide.