Lava flow ng Bulkang Mayon, posibleng umabot sa permanent danger zone

Posible pa ring umabot sa six-kilometer permanent danger zone ang pagdaloy ng lava mula sa patuloy na “effusive eruption” ng Bulkang Mayon.

Ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) Officer-in-Charge (OIC) Teresito Bacolcol, nasa 2.5km mula sa crater ang lava flow at kapag hindi ito tumigil ay maaari na itong umabot sa six-kilometer permanent danger zone.

Read More:  Cayetano backs SEA Games probe, seeks flood control investigation

Sa kabila niya, umaasa si Bacolcol na dahil mabagal pa ang pag-agos ng lava sa ngayon, hindi ito makararating sa permanent danger zone.

Read More:  AFP rejects China Coast Guard claims on Ayungin Shoal incident

Masyado aniyang mabagal ang pagguho ng lava o 350 meters kada-araw lamang, at kung minsan nga raw ay hindi ito umuusad.

Paglilinaw ng opisyal, wala pa silang nakikitang indiskasyon na ang danger zone ay dapat palawakin pa sa 7 kilometro//SMM