NAGA CITY – Aapurahin na ng konseho ng Naga City ang pagpatupad sa Solar Panel Installation Ordinance sa mga opisina at building sa City Hall.
Isa ito sa agarang aksyon ng City Government matapos na maipanalo na ang ownership ng lote sa desiyon na inilabas ng Supreme Court.
Sumasakto naman ang hakbang dahil bahagyang tumaas na naman ang power rates ng CASURECO 2, mula sa P11 per kilowatt hour naging P12.00 kWh na sa residential, sa low voltage – P12.1056/kWh at sa High Voltage – P10.4046/kWh.
Sa pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga kay City Councilor Lito del Rosario, Chairman ng Public Utilities, sinabi nitong mahalagang isakatuparan na ang naturang City Ordinance sa layuning makatipid sa pagbayad sa kuryente lalo na ng may bago na namang pagpataw sa power rate nito ngayong Hunyo.
Paliwanag ng konsehal, identified na ang mga building at opisina sa City Hall na paglalagyan ng solar panel pati na rin sa Civic Center.
Todo-tipid sa paggamit ng kuryente sa mga opisina sa City Hall na kung saan sa oras na alas-9 pinapayagang gumamit ng kuryente, sa kabila ng alas otso ng umaga ang simula ng trabaho.