Marcos, inatasan ang DA-BFAR na tugunan ang problema ng illegal fishing sa bansa

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na tugunan ang illegal, unreported, at unregulated fishing sa bansa

Ito ay sa pamamagitan ng paglikha ng isang komprehensibong pag-aaral kaugnay sa rehabilitasyon at pagpapanatili ng marine habitats ng Pilipinas.

Read More:  Political vlogger Mimaa Alicia killed in Caloocan shooting

Binigyang-diin ni Marcos, kasalukuyang Kalihim ng DA ang pangangailangan para sa Pilipinas na sumunod sa international commitments nito, partikular na sa European Union hinggil sa pagpigil o paghadlang sa IUUF.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Iginiit din ng Pangulo ang kahalagahan ng pagtugon sa concerns ng fishery stakeholders sa pamamagitan ng paggamit ng science-based approach sa pangangasiwa ng marine resources.//CA