Brgy. Kalalake sa Olongapo, mag-uumpisa nang manikit sa mga hindi susunod sa No Segregation No Collection Policy

Titikitan na ng Barangay Kalalake sa Olongapo ang mga residenteng bigong makapag-segregate ng basura.

Ito ay pagkatapos ng panibagong orientation tungkol sa Ecological Solid Waste Management Act at No Segregation No Collection Policy.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Ayon kay ABC President Randy Sionzon, makailang beses nang nagpaalala ang barangay tungkol sa patakaran at schedule pero sadyang may mga hindi nakakasunod.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Duda ni Sionzon, ito ay ang mga residenteng mayroong pasok sa trabaho kaya hindi nakakasagap ng balita tungkol sa mga bagong batas at polisiya.//Jeff Valdez-BNFM OLONGAPO