Nakatakdang lumabas sa pagamutan ngayong araw ang apat mula sa siyam na indibidwal na sakay L300 singloe cab na nahulog sa bangin sa Pakalbo Brgy Imugan Santa Fe, Nueva Vizcaya.
Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, kinilala ang driver ng sasakyan na si Denmark Penullar, 35-anyos at residente ng Mapandan, Pangasinan.
Habang ang mga pasahero naman ay kinilalang sina Ramon Alarsio, 35-anyos, Rodolfo Egros, Raymond Aquino, Sunchine Aquino at apat pang mga menor-de-edad.
Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na papunta ang magkakamag-anak sa Isabela nang mangyari ang insidente.
Nawalan umano ng kontrol sa manibela ang drayber nang makarating sa pakurbang bahagi ng daan na nagsanhi upang dumiretso ito sa bangin na may lalim na 100 meters.
Nawasak ang sasakyan dahil sa pagkakahulog habang agad namang idinala ng mga rumespondeng rescuers ang mga biktima sa pagamutan upang lapatan ng kaukulang lunas.