Pinuri ni Go Negosyo at Private Sector Advisory Council (PSAC) Lead for Jobs Joey Concepcion ang desisyon ni Pangulong Bongbong Marcos na manatili bilang agriculture secretary, kasabay ng paniniwalang ang structural changes sa agricultural sector ng bansa ang siyang maaaring maging ‘legacy’ ng pangulo.
Ayon kay Concepcion, ang pananatili ni Marcos bilang kalihim ng DA ay isang ‘smart decision.’
Dagdag pa nito, kaya ng DA secretary na agad na makagawa ng mga reporma upang masiguro na ang lahat ng sistema ay nasa maayos na kalagayan para matulungan ang mga magsasaka ng bansa, gaya ng ginawa ng ama nito noong kanyang termino.

Maliban dito ay nagpahayag din ng suporta si Concepcion para sa programa ng pangulo na farm clustering na kaugnay ng agricultural modernization ng administrasyon. //SM, edited MHEL PACIA