Pagtatayo ng imbakan ng palay at mais, pag-aaralan- PBBM

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Agriculture na pag-aralan ang posibleng pagtatayo ng silos o imbakan ng palay at mais.

Matapos ang pulong sa Malacanang ni Pangulong Marcos at mga miyembro ng Private Sector Advisory Council (PSAC) on agriculture, inatasan niya si DA Undersecretary Drusila Bayate at NFA Administrator Roderico Bioco na tingnan ang posibilidad ng pagtatayo ng rice and corn stations modules gamit ang mother-daughter o Hub and Spoke system.

Read More:  Palace open to corruption probe with sufficient evidence

Ayon kay PSAC Agriculture group head, Aileen Christel Ongkauko, sa kanilang panukala , nais nilang magtayo ng 30 mother stations na mayroong sampung daughter stations modules na itatayo sa kada 30-kilometer radius ng bawat main station.

Read More:  Marcoleta transferred to Quezon City Jail after hospital clearance

Ang proyekto aniya ay maaaring pondohan sa pamamagitan ng public-private partnership scheme dahil ang bawat mother station ay magkakahalaga ng P5.7 billion bawat isa o may kabuuang kakailanganing pondo na P170 billion pesos.//Katrina Jonson