Remittance inflows mula OFWs, sumadsad sa pinakamababang level sa loob ng 11 mos

Sumadsad sa pinakamamabang level sa loob ng 11 buwan ang remittance inflows mula sa mga overseas Filipinos noong Abril.

Batay sa datos na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas, ang cash remittances o money transfer sa pamamagitan ng mga bangko o formal channel ay umabot sa $2.485 bilyon, bumaba ito mula sa $2.671 bilyon noong Marso ngunit 3.7% na mas mataas kaysa sa $2.395 bilyon sa parehong buwan noong nakaraang taon.

Read More:  Romualdez ready to face Ombudsman complaint, says he will answer allegations

Ito ang pinakamababa sa loob ng 11 buwan sa naitalang $2.425 billion noong April 2022.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Pinakamalaking pinagmulan ng padala ay ang Estados Unidos sa 41.3%, sinundan ng Singapore sa 7.0%, Saudi Arabia sa 5.9%, Japan sa 5.1%, United Kingdom sa 4.5% at United Arab Emirates sa 4.2%. //CA, edited MHEL PACIA