PGA, sinimulan na ang food bridge program para sa mga evacuees

LEGAZPI CITY – Sinimulan na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Albay ang kanilang Food Bridge program para sa mga residenteng lumikas dahil sa pag-aalburoto ng bulkan.

Ayon kay Gov. Atty. Edcel “Grex” Lagman, maraming mga residente ang apektado kung kaya’t naisipan nilang gumawa ng paraan upang hindi nila maramdaman ang kahirapan habang sila ay nasa loob ng nasabing pasilidad.

Read More:  Four missing after vehicle plunges into Tarlac River following Agana bridge collapse

Namahagi na ng Family Food packs ang DSWD sa mga pamilya at binili na rin ang mga gulay ng mga magsasaka upang mayroon pa rin silang mapagkakakitaan.

Read More:  Forced evacuations imposed in Pampanga and Bulacan as severe flooding worsens

Sinabi pa ng gobernador, karamihan sa mga nasa evacuation centers ay mga magsasaka, kaya’t maaari silang bigyan ng hanapbuhay sa tulong ng DOLE Bicol at LGU upang mayroon silang mapagkakakitaan sa araw-araw.