Ilang telecom company, nagsimula na ng patrabaho para sa underground cabling sa Naga City

NAGA CITY – Nagsimula na sa pagtrabaho ilang Telecommunication Company sa Naga City para sa underground cabling na ordinansa ng lungsod.

Ito ang napag-alaman ng Brigada News FM Naga kay City Councilor Lito Del Rosario, Author ng nasabing ordinansa.

Read More:  19-year-old woman found dead in Lupon, Davao Oriental, with head injury

Katunayan mayroon na sa may Magsaysay, Panganiban, at sa Diversion, bagamat marami pa ang hindi sumasabay sa programa na naiintindihan niya naman lalo na’t kailangan nito ng mahabang panahon dahil maliban sa kailangan ng malaking budget kailangan din resources.

Dagdag pa ng Konsehal, kailangan din maunawaan ng bawat kompanya na mahalaga ang ganitong ordinansa o programa upang makatulong lalo na’t para ito sa disaster resiliency safety ng lungsod, halos bawat taon rin kasi nakakaranas ng mga bagyo hindi lang ang Naga kundi sa buong Bicol Region na kinakailangang pagtuunan ng pansin.

Read More:  PWD allegedly assaulted by cousin in General Santos City