Portugal, nag-alok ng tulong sa Pilipinas upang malabanan ang ASF sa bansa

Nag-alok ng tulong ang Portugal sa Pilipinas upang mlabanan ang African Swine Fever, isang sakit na nagpababa ng populasyon ng baboy sa bansa.

Ipinaabot ni Portuguese non-resident Ambassador to the Philippines, Maria João Falcão Poppe Lopes Cardoso ang alok na tulong nang mag-courtesy call ito kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez kahapon.

Read More:  VP Sara defense awaits senate ruling on subpoena request

Bukas din daw ang pinto ng bansa para tumanggap ng mga manggagawang Pilipino.

Sinabi ni Romualdez , na ipararating nito ang alok na tulong ng Portugal sa mga kinauukulang ahensya sa ilalim ng  Executive Department, gayundin sa iba pang mga inisyatiba upang mapalawak ang bilateral trade and cooperation sa mga larangan ng teknolohiya at depensa ng dalawang bansa.//CA

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist