Kuntento si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga hakbang na ipinatutupad ng mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno at LGUs sa pagtugon sa sitwasyon ng pag-aalboroto ng Bulkang Mayon.
Pinangunahan ni Marcos kahapon ang situational meeting sa Albay Astrodome sa Legaspi City kung saan naglahad ng kani-kanilang concerns at mga kailangan ang mga lcoal chief execuitves sa pangunguna ni Albay Gov. Edcel Greco Lagman.

Bago ito , nagsagawa ng aerial inspection ang Pangulo sa paligid ng bulkan.
Tiningnan niya ang sitwasyon ng komunidad sa paligid ng Mayon.
Namahagi rin siya ng tulong pinansyal sa mga alkalde ng apektadong munisipalidad na gagamtin sa pangangailangan ng mga apektadong residente.
Namigay din ang pangulo ng relief goods sa mga apektadong residente na ginanap sa Guinobatan Community College evacuation center.//CA