Proseso sa pag-aapply at renewal ng business permit sa SBMA, pinabilis na

Pinabilis ng Subic Bay Metropolitan Authority ang proseso sa pag-aapply ng business permit sa mga gustong magnegosyo sa Freeport.

Ito ay makaraang magreklamo ang mga negosyante dahil tumatagal ng taon ang aplikasyon bago madesisyunan kung aaprubahan.

Read More:  Pickup driver falls asleep, hits tricycle, motorcycles and store in Bacolod

Ayon kay SBMA Chairman Administrator Jonathan Tan, dati ay labing siyam na tao ang nagsisilbing signatories bago makarating sa opisina ng administrator ang business application na pangunahing dahilan ng pagkaantala.

Dahil dito, pinayagan nang makapagsimula kaagad sa negosyo sa oras na makapagsumite ng mga pre-requirements habang obligado namang i-comply ang iba pang requirements habang nagnenegosyo.

Read More:  Missing lending collector from Bukidnon found buried in Lanao del Sur pineapple plantation

Tiniyak ni Tan na maire-release ang business permit sa loob ng isa hanggang dalawang linggo.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO