Mga bunga ng pakwan sa Camarines Sur, pinagtataga

CAMARINES SUR- Labis ang panghihinayang ng isang magsasaka at pamilya nito sa Canaman, Camarines Sur matapos na madatnan na biyak-biyak na, may mga tama ng taga ang mga bunga ng pakwan.

Kuwento sa Brigada News FM Naga ni Roel Paragua, hindi niya lubos maisip na ang pinagpaguran ay masasayang lang dahil sa hindi magandang gawain ng hindi pa nakikilalang salarin.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Sa tinatayang 200 na bunga mahigit 40 ang pinagtataga. Nalugi na aniya sila sa baha noong unang kwarter ng 2023 dahil sa halos walang humpay na pagbuhos ng ulan kaya sinisikap sanang makabawi pero nakapanlulumo.

Read More:  Senior couple stabbed after offering shelter from rain to stranger in Cebu

Una nang ikinuwento sa social media ng kapatid nitong si Seanne Marie ang sakripisyo ni Roel , kaya labis ang pagpapasalamat sa mga nag share ng post, marami ang nag paabot ng tulong.

Nagreport na sila sa Barangay, may pumunta na ring pulis pero ipinagpapasa Diyos na lamang ang pangyayari.