Mga apektadong magsasaka dahil sa pag-aalburoto ng Bulkang Mayon, tinatayang aabot na 50,000

LEGAZPI CITY – Tinatayang aabot na sa 50,000 na mga magsasaka ang apektado dahil sa pag-aalburoto ng Bulkang Mayon ayon mismo kay Provincial Agriculturist na si Cheryl O. Rebeta.

Sinabi ni Rebeta na nakikipag-ugnayan na sila ngayon sa Municipal and City Agriculture Office (M/CAO) ng tatlong lungsod at limang bayan sa lalawigan upang ma-finalize ang listahan ng mga apektadong magsasaka.

Read More:  Wind power firm ordered to halt operations over permit violations

Kasama rin dito ay ang kanilang assessment, validation, at patuloy na pagsasama-sama ang listahan at ang bilang ng mga magsasaka na apektado ng 6 km PDZ, ang mga available na gulay at prutas, at iba pang posibleng interbensyon.

Read More:  20-year-old caretaker killed in Cebu robbery case

Samantala, hinihimok naman ng Pamahalaang Panlalawigan ng Albay ang mga LGU na bumili ng ani ng mga magsasaka bilang tulong sa pagkain sa mga bakwit ng Mayon.